Makamit ang misyon na masungkit ang WGM norm ang tangka ng Philippine Women’s Chess Team sa pagsagupa sa 42nd World Chess Olympiad na nakatakda sa Setyembre 2-14 sa Baku, Azerbaijan.
Ito ang inihayag ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at women’s team coach Grandmaster Jayson Gonzales bago umalis ang koponan patungo sa torneo na lalahukan ng kabuuang 2,245 player mula sa 181 koponan.
“Other than to improve our last overall standing, our aim is for each member to target get their own WGM norm,” sabi ni Gonzales.
Sasabak ang women’s team na seeded 40, habang ang men’s chess team ay seeded 54th. (Angie Oredo)