COTABATO CITY – Kasabay ng pagbibigay-pugay sa isang anti-mining activist na napatay kamakailan sa siyudad na ito, ibinunyag ng isang paring Katoliko ang umano’y malawakang pagmimina sa Tawi-Tawi na kinasasangkutan ng mga Chinese operator na ginagamit ang lupa bilang panambak sa pinalalawak na mga istruktura sa mga isla ng Pilipinas na inaangkin ng Beijing.

Ipinost nitong Miyerkules ni Fr. Eliseo R. Mercado Jr., OMI, dating presidente ng Notre Dame University dito, sa kanyang Facebook page ang artikulo niyang may titulong “Honoring Datu Habib Sarifuddin Maulana...!”

Si Maulana, 41, tubong Tawi-Tawi at kabilang sa tribung Moro na Sama, ay binaril at napatay nitong Lunes ng umaga ng mga armadong magkaangkas sa motorsiklo habang nagdya-jogging malapit sa kanyang bahay sa barangay na hangganan ng Cotabato City at Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Kilala si Maulana sa kanyang pursigidong kampanya laban sa pagmimina sa Tawi-Tawi.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“The island of Tumbagaan, Languyan, Tawi Tawi, is the site of the Mining Operation...! Barge by barge the island is being transported by big ships to China sintering plant and when the ore has been extracted, the soil would be used in the Chinese build up in our islands in the Spratly and Paracel Islands,” ani Mercado.

Upang magkaroon ng kabuluhan ang “shedding of blood by Datu Habib,” iginiit ni Mercado na ang mga ahensiya ng gobyerno, gaya ng Department of Environment and Natural Resources “should thoroughly re-examine and investigate the cooper mining operations in Tumbagaan, Languyan and in other islands as well...”

“These islands would disappear in the map of Tawi Tawi... and later would reappear in Spratly and Parcels (islands)” kung magpapatuloy ang nasabing pagmimina, ayon sa pari. (ALI G. MACABALANG)