Isang panukalang batas ang inihain sa Senado noong Biyernes para pagkalooban ng “out-of-job” pay ang mga empleyado na biglang nawalan ng trabaho.

Nilalayon ng Senate Bill No. 1036 ni Sen. Grace Poe na palawakin ang mga benepisyo ng Social Security System (SSS) upang maisama ang immediate economic relief para sa mga manggagawa na naghihirap dahil sa involuntary unemployment.

Sa ilalim nito, pagkakalooban ang mga empleyado ng monthly cash payments na katumbas ng kanilang SSS contributions.

Ayon kay Poe ang mga mayroong kontribusyon na anim na buwan hanggang dalawang taon ay tatanggap ng kompensasyon sa loob ng isang buwan, habang ang mga may hanggang dalawang taong kontribusyon ay makakakuha ng dalawang buwan.

Jodi Sta. Maria, aminadong mahirap ang blended family

Samantala, tatlong buwang relief para sa nakapagbigay ng apat hanggang anim na taong kontribusyon sa SSS, apat na buwan para sa anim hanggang 11 taon, at limang buwang kompensasyon sa mga may kontribusyon na 11 hanggang 15 taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 2.6 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho hanggang nitong Abril. (PNA)