WELLINGTON (Reuters, AFP) – Isang malakas na magnitude 7.1 na lindol ang yumanig sa New Zealand noong Biyernes ng umaga na nagbunsod ng mga paglikas ngunit walang iniulat na nasaktan o napinsala.

Tumama ang lindol 169 km sa hilagang silangan ng Gisborne, New Zealand at may lalim na 30 km, ayon sa U.S. Geological Survey.

Iniulat ng mga Twitter user sa North Island ng bansa na nagising sila sa pagyanig.

Iniutos ng civil defense ang paglikas sa ilang coastal areas, partikular sa bayan ng Gisborne, noong Biyernes ng umaga dahil sa pangamba na maaaring magbunsod ng tsunami ang lindol, gayunman sinabi ng mga ahensiya sa ibang bansa na hindi ito malaking banta.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina