Inilabas na ang dalawang powerful advertisements na nilikha ng award-winning director na si Brilliante Mendoza para mapalakas pa ang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs.

Ang anti-drug television commercials na nagbibigay-diin sa mga panganib na dulot ng ipinagbabawal na gamot sa mga gumagamit nito at sa kanilang pamilya ay unang ipinost ng Presidential Communications Office (PCO) sa Facebook page nito kahapon.

“The advertisements will target the Filipino families who might be dealing with problems caused by drug abuse. All hope is not lost; the time to end illegal drug-dependence is now,” sabi ni Presidential Communications Operations Secretary Martin Andanar.

Ang unang TV advertisement na may titulong “Father” ay kuwento ng isang narcotics user at kung paano naapektuhan ng adiksiyon niya ang kanyang pamilya. Hindi nasaksihan ng amang lulong sa bawal na gamot ang mahahalagang bahagi sa buhay ng kanyang anak at mag-isa na lamang nang maospital. Nagtapos ang commercial sa mensaheng “Kalimutan ang droga bago ka nila makalimutan.”

National

DOH, nilinaw na hindi kumpirmado kumakalat na umano’y ‘international health concern’

Itinatampok naman sa pangalawang TV commercial na may titulong “Mother” ang pagsisikap ng isang overseas Filipino worker habang ang kanyang anak naman sa Pilipinas ay unti-unting nalululong sa bawal na gamot. Kalaunan, humingi ng saklolo sa ina ang anak nang masangkot sa krimen. “May oras pa. Be a #PartnerForChange against drugs,” mensahe ng ad.

Ang parehong makadurog-pusong dalawang short films, na may habang dalawang minuto at 30 segundo, ay ipapalabas din sa TV network at mga sinehan ngayong buwan. (Genalyn D. Kabiling)