Kathryn at Daniel copy

HINDI nakalusot sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa tanong ng reporters kung ano na nga ba ang level ng kanilang samahan ngayon . Limang taon na rin silang magka-love team at nananabik ang KathNiel fans na malaman kung nag-level up na nga ba ang kanilang relasyon.

Inilayo ni Daniel ang usapan noong una pero hindi nila nailigaw ang press.

Naganap ang rebelasyon sa grand presscon ng newest movie nilang Barcelona: A Love Untold last Tuesday, sa Dolphy Theater.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“Siguro andu’n kami sa level na nu’ng first year ‘yung getting to know,” sagot ni Kathryn, “and then ‘yung second year malalaman n’yo na ‘yung kung ano ‘yung differences, and then dadating na diyan kung ia-accept mo ‘yun or magka-clash kayo.

“Ngayon andu’n kami sa tinanggap na namin talaga ‘yung isa’t isa, and parang siguro next to my mom si DJ talaga ‘yung taong pinakakilala na talaga ako. ‘Pag andiyan siya kaya ko talaga maging kung sino lang talaga ako and alam ko na tatanggapin niya ‘yun kasi sa ilang taon na ‘yun, mas nakilala na niya ako.

“Siguro ito ‘yung stage na masasabi namin na the happiest stage. Talagang nai-enjoy namin everyday,” sabi pa ng dalaga.

Marami na silang pinagdaanan sa loob ng limang taon, sabi naman ni Daniel, pero tuluy-tuloy pa rin ang love team nila.

“Siguro nandu’n na kami sa stage na lagi kaming pagod, lagi kaming stressed and andu’n kami sa stage na basta pag-uusapan namin ‘yung sitwasyon and then kaming dalawa, okay na kami. Kasi iisipin namin, ‘Para saan ba itong ginagawa natin and para kanino ba ito and ano ba’ng gusto nating gawin?’ Basta lahat ng mga problema ginagawa na naming okay basta kaming dalawa,” makahulugang sagot naman ni Daniel.

At saka nagpasabog ng rebelasyon ang binata.

“Kumbaga exclusive na kami. Wala nang puwedeng dumagdag na isa pa du’n.’ Yun na lang ‘yun. Exclusive na kami. Bawal ang isa pa,” sabay tawa.

Pahayag pa ni DJ, “Siguro nga andito kami sa pinakamasayang stage namin and lagi kaming ganu’n. Hindi naman ‘yun mapupunta sa pinakamababa na stage, laging masaya lang kami na stage. Masaya kami ngayon. Wala kaming proble-problema. Basta okay kami, okay lahat. ‘Yun na lang.” (ADOR SALUTA)