DAVAO CITY – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi mapopondohan ng gobyerno ang rehabilitasyon para sa mga sumukong tulak at adik na umaabot na sa halos 700,000 sa kasalukuyan.

Sa kanyang speech sa Pinnacle Hotel and Suites, sinabi ni Duterte na ang tanging magagawa ng kanyang administrasyon ay ang paglaanan ito ng pondo sa budget para sa susunod na taon.

“I entered the presidency midterm, so we operate on a budget, that budget was prepared the previous year. Ang budget for next year, we are preparing it. So, wala namang nakalagay kay (dating Pangulong Noynoy) Aquino... it was Aquino who programmed it for the whole of 2016,” anang Pangulo.

“Malay ba niyang kinuha lahat, wala namang ginawa, malay ba niya na aabot ang adik ng 3.7 million. So, saan tayo magkuha ng pera?”

Sen. Bato, iginiit na hindi convicted criminal si Lopez para ilipat sa Women's Correctional

Dagdag pa ni Duterte, hindi ikinokonsidera ng gobyerno na maglipat ng pondo mula sa ibang ahensiya upang mapaglaanan ng gastusin ang ibang proyekto, gaya ng malawakang programa sa rehabilitasyon ng mga lulong sa droga.

“It’s just like, if you get money for that purposes, just robbing Peter to pay Paul. Hindi ko man magawa iyan,” sinabi ng Pangulo tungkol sa paglilipat ng pondo. “I cannot do that.”

Iginiit ng Presidente na handa siyang magsakripisyo matiyak lang na malinis ang henerasyong ito sa impluwensiya ng ilegal na droga.

“Kasi ‘pag hindi ako gumalaw ngayon, ang matatamaan nito iyong mga apo ninyo, then by that time, it could be beyond control,” aniya. “Let us be clear on it. I am not ordering a punitive police action. I am declaring war. Ang sabi ko sa kanila, destroy the apparatus of the drug industry.”

Sa infographic na inilabas ng Presidential Communications Office sa unang bahagi ng linggong ito, sinabing mayroong 673,978 sangkot sa droga na sumuko sa mga awtoridad simula noong Hulyo 1 hanggang Agosto 22, at P3,529,667,701 halaga ng droga ang nasamsam sa 7,532 operasyon ng pulisya. (YAS D. OCAMPO)