IMUS, Cavite – Nanawagan ang pamunuan ng Cavite Police Provincial Office (PPO) sa mga tinaguriang “ninja” cops na lalawigan na sumuko na sa awtoridad kung ayaw maharap sa matinding parusa.

Sinabi ni Supt. Janet Lumabao Arinabo, PPO information officer: “Mas mabuti pang sumuko na lang or we will enforce the law.”

Inihayag ni Arinabo ang panawagan nang kapanayamin siya sa telebisyon nitong Huwebes ng gabi.

Una nang kinumpirma ng PPO na hawak na nito ang listahan ng mga pangalan ng mga pulis na sangkot sa droga ngunit hindi pa isinasapubliko ito habang kinukumpleto pa ang “validation and confirmation of their status.”

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“It was an elimination process, first there were 43, then 33 and that six of them were found to be positive (sa drug test) but still they have to undergo confirmatory test and validation,” ayon sa isang source sa PPO.

Hanggang kahapon ay wala pa ring “ninja” cop na sumusuko sa Cavite, ayon pa sa source.

Una nang naghayag si Pangulong Duterte ng P2 milyon pabuya sa sinumang makapagtuturo ng pulis na may kaugnayan sa mga drug lord. (Anthony Giron)