Napalakas ang pagkakabundol sa isang babae ng isang kotse habang tumatawid sa isang tulay sa Ermita, Maynila kamakalawa.

Tinawag na lamang sa alyas na “Ms. X”, namatay ang ‘di kilalang biktima habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) dahil sa matinding pinsala sa ulo at katawan.

Kusa namang sumuko sa mga awtoridad ang suspek na si Eufrancio Alvaran, nasa hustong gulang, ng 35 Gallera Town Homes, 14th Street New Manila, Quezon City.

Sa ulat ni SPO2 Manual Garbin Jr., ng Manila Police District (MPD)-Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS), dakong 3:50 ng madaling araw, tumatawid ang biktima sa Quezon Bridge sa Ermita nang mabundol ng Honda City na may plakang ABT-5631 at minamaneho ni Alvaran.

Probinsya

Menor de edad, nasagip matapos tangayin ng alon sa Tacloban

Sa lakas ng pagkakabunggo ay tumilapon ang biktima sa wind shield ng sasakyan.

Hindi naman tinakbuhan at sa halip ay isinugod pa ni Alvaran sa PGH ang biktima ngunit namatay din.

Nahaharap si Alvaran sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. (Mary Ann Santiago)