Mga Laro Ngayon
(Philsports Arena)
10 n.u. -- UST vs NU
12 n.t. -- La Salle vs Ateneo
6 n.g. -- San Sebastian vs Ateneo
Magtutuos ang San Sebastian College at Ateneo de Manila sa duwelong nakataya ang huling upuan sa Final Four ng Shakey’s V-League Season 13 Collegiate Conference sa Philsports Arena sa Pasig.
Nagwagi ang Lady Stags sa Lady Eagles sa kanilang unang pagtatagpo sa elimation. Ngunit, iba ang sitwasyon sa kasalukuyan kung kaya’t inaasahan na magiging dikdikan ang laban.
Kapwa nabigo sa pagtatapos ng elimination para magtabla sa 2-2 at maisaayos ang playoff para sa No. 4 spot sa crossover semifinals.
Ang magwawagi ay makakasama ng Far Eastern University, National University at University of the Philippines sa Final Four.
Nakatakda ang duwelo sa ganap na 6:00 ng gabi.
Magsisimula ang best-of-three semis series sa Spikers’ Turf Season 2 Collegiate Conference sa pagitan ng University of Santo Tomas at NU sa ganap na 10:00 ng umaga habang magtutuos ang archrival La Salle at Ateneo sa ganap na 12:00 ng tanghali. (Marivic Awitan)