Magtatayo ang mga bansa sa Southeast Asia at ang China ng mga hotline at pagtitibayin ang communications protocols upang maiwasan ang mga sagupaan sa pinag-aagawang bahagi ng South China Sea, sinabi ng isang opisyal ng Department of Foreign Affairs nitong Biyernes.

Ang mga protocol ay lalagdaan sa Laos sa susunod na linggo, sa pakikipagpulong ng 10-miyembrong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa mga lider ng iba pang regional powers - ang China, Japan, South Korea, Australia, India, Russia at United States –sa tatlong araw na summit.

Ang mekanismo ay tatawaging Code for Unplanned Encounters at Sea (CUES), sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Helen de la Vega sa isang news conference.

“It’s one way of de-escalating tensions in the South China Sea,” aniya, idinagdag na magkakaroon din ng mga hotline sa pagitan ng mga gobyerno ng China at ASEAN.

Ina ni Jerlyn Doydora, pinapanagot si Renee Co sa pagkasawi ng anak sa Mindoro: ‘Walang hiya ka’

“This is very important because any accident that can lead to a major confrontation will be avoided if our navies and coast guards are communicating with each other,” sabi ng isang mataas na opisyal ng Philippine Navy. (Reuters)