Cong. Vilma copy

SA umpisa pa man, suportado na ni Batangas Congresswoman Vilma Santos ang kampanya ni Pres. Rodrigo Duterte laban sa ipinagbabawal na gamot.

“Dapat lang naman na suportahan natin ang kampanya ng ating Presidente sa war on drugs. Ikakabuti nating lahat ‘yan!,” sey ni Cong. Vi.

Pabor ba si Vilma Santos, bilang isa sa mga itinuturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino, na isiwalat ang pangalan ng mga artista na gumagamit o nagtutulak ng droga?

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

“Ikakabuti nating lahat ‘yan. Pero kailangan lang na ingat sa pagbanggit ng mga pangalan kahit confirmed man o hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na ‘yan. Kasi nakasalalay ang pagkatao at buhay ng mga taong mababanggit,” katwiran ng premyadong aktres/public servant.

Dagdag pa ni Ate Vi, may panahon pa naman para magbago ang sinumang mababanggit na kabilang sa naturang listahan.

Aniya, hindi pa huli ang lahat.

“May panahon pa rin naman silang magbago kung meron mang biktima na mga users. Pero ‘pag drug lord na, eh, ibang usapan na talaga ‘yan. They have to be in jail at ibigay ang dapat na parusa sa kanila,” lahad pa ng Star for All Seasons.

Samantala, nagkusa si Luis Manzano na sumailalim sa drug test at hindi nila ito inutusan. And as expected, negatibo ang resulta.

Ano ang masasabi ni Ate Vi hinggil dito?

“Kilala ko ang anak ko noon at kilala ko ang anak ko ngayon!!!! I’m very proud of him,” diretsong sagot ng pinagkakaguluhang mambabatas ngayon na si Cong. Vilma Santos.