ANKARA (AFP) – Sinibak sa tungkulin ng Turkey ang halos 8,000 security personnel noong Huwebes ng gabi, ayon sa state media, sa patuloy na pagpurga sa mga pinaghihinalaang kasabwat sa nabigong kudeta noong Hulyo 15.

May kabuuang 7,669 pulis ang tinanggal kasama ang 323 personnel sa militar, na nagbabantay sa domestic security.

Inaakusahan ng Turkey ang US-based Muslim cleric na si Fethullah Gulen at ang Hizmet (service) movement nito na utak ng bigong kudeta na ikinamatay ng 240 katao. Itinanggi ni Gulen ang mga akusasyon.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina