MOSCOW, Russia (AFP) – Malubha ang kalagayan ni Uzbek leader Islam Karimov na lumala ang kalusugan ilang araw matapos ma-stroke, inihayag nitong Biyernes.

‘’Dear compatriots, it is with a very heavy heart that we inform you that yesterday the condition of our president deteriorated sharply and, according to doctors, it is evaluated as critical,’’ saad sa pahayag na ipinaskil sa website ng gobyerno.

Kinurmpirma ng biglaang pahayag -- inilathala rin sa mga pahayagan ng estado nitong Biyernes – na si Karimov, 78, pinamunuan ang dating bansang Soviet sa loob ng mahigit 25 taon, ay naospital noong Sabado matapos ma-stroke.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina