Hiniling kahapon ni Puwersa ng Bayaning Atleta Congressman Jericho Jonas Nograles sa Department of Foreign Affairs (DFA) na aksyunan ang isyu ng dumaraming bilang ng mga illegitimate na batang Pinoy lalo na sa Middle East.

Ayon sa kanya, itinuturing na “stateless Filipinos” ang mga illegitimate children ng overseas Filipino workers (OFW) na isinilang sa ibang bansa at hindi kinikilala bilang mamayan nito.

Ang nakalulungkot, ayon kay Nograles, ayaw silang bigyan ng Philippine passport dahil isa sa pangunahing pangangailangan para magkaroon ng pasaporte ay birth certificate, na wala naman sa mga bansang Islamic.

Sa pagdinig sa Kamara, idiniin ni Nograles na nagiging seryoso na ang problemang ito.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“There could be thousands of these stateless Filipino children but there’s no single government agency that looks after them,” ani Nograles. (Bert de Guzman)