Nakakumpiska ang pulisya ng aabot sa P1 milyon ng hinihinalang shabu mula sa tatlong menor de edad na naaresto sa buy-bust operation sa Barangay Balulang, Cagayan de Oro City sa Misamis Oriental, iniulat ng pulisya kahapon.

Ayon sa report ng Cagayan de Oro City Police Office, tanging ang nakatakas na si Vertudan Bermuy, 36, may asawa, ng Bgy. Balulang, ang kinilala ng pulisya.

Sinabi ni Chief Insp. Gil Agpaoa, hepe ng Carmen Police, na nasa kostudiya pa niya ang tatlong suspek na edad 14-16 na umano’y “distributor” ng shabu.

Nasamsam sa bahay ni Bermuy ang aabot sa 200 gramo ng shabu, na nagkakahalaga ng P1 milyon, drug paraphernalia, at marked money. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar