MEXICO CITY (AP) – Binatikos sa social media at political circles ang pangulo ng Mexico matapos ang joint press conference noong Miyerkules kay Donald Trump, na itinuturing ng marami na kahihiyan ng bansa nang tanggapin ang taong kinutya ang mga migrante bilang mga rapist at kriminal.

Sinabi ni President Enrique Pena Nieto na pakiramdam ng mga Mexican ay naagrabyado sila ng Republican presidential candidate, ngunit hindi niya ginawa ang higit na ninanais ng kanyang mamamayan: sabihin kay Trump na humingi ng paumanhin. Nagdagdag sa kanilang galit na sa press conference ay inulit ni Trump ang pangako na magtayo ng border wall sa pagitan ng dalawang bansa.

“Trump can leave at ease now. The humiliation was complete,’’ tweet ni Televisa news anchor Carlos Loret de Mola, matapos magpahayag ng kalungkutan sa lakas ng loob ni Trump na banggiting muli ang balak na magtayo ng pader “in our face and home.”

Isinulat naman ng writer na si Angeles Mastretta sa Twitter account na nasaksihan ng Mexicans ang inaasahan “a president who isn’t capable of demanding apologies ... how sad.”

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Tinawag ni Mexico security analyst Alejandro Hope ang pulong na “a disaster.”