BEIJING (AP) – Dinedebelop ng China ang isang bagong uri ng strategic bomber.

Sinabi ni air force chief Ma Xiaotian sa state media sa isang open-day event noong Huwebes na palalakasin ng bomber ang long-range strike ability ng China. Hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa aircraft o kung kailan ito ipakikilala, sinabi lamang na “you will see it in the future.”

Noong nakaraang taon ay ipinakita ng China ang kanyang new generation H-6K strategic bomber na kargado ng DH-20 land-attack cruise missile, na kayang tamaan ang Australia. Sa ngayon ay tanging ang Russia at U.S. ang may kakayahang magpakawala ng cruise missiles mula sa kalawakan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline