Dinagdagan ng administrasyon ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang taunang budget para sa mga iskolar na tumatanggap ng P2,500 kada semester na nag-aaral sa mga pribadong kolehiyo at unibersidad.
Pormal na tinanggap ng 796 na college student ang scholarship grants mula sa pamahalaang lokal sa simpleng seremonya na ginanap sa multi-purpose gym ng Parañaque City.
Sinabi ni Mar Jimenez, ng Special Services Office, na umabot sa 5,239 college students mula sa iba’t ibang barangay ang napagkalooban ng scholarship simula 2014.
Naglaan ang Parañaque City Government ng P1.9 milyon para sa 471 iskolar sa District 2, habang P800,000 para sa 325 estudyante sa District 1 ngayong 2016. (Bella Gamotea)