Pinagbabaril hanggang sa napatay ng hindi kilalang armado ang dalawang lalaki na umano’y iiskor ng shabu sa isang madilim na eskinita sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Bernardo Reyes, 40, alyas “Inat”, ng Area D. Diamond Street, Interville Subdivision, Talipapa ng nasabing lungsod at Joshua Jerome Juanengco, 28, alyas “JayJay”, ng No. 5308 Camia St., Barangay Ugong, Valenzuela City.

Base sa report, dakong 1:20 ng madaling araw, binabagtas nina Reyes at Juanengco na lulan sa motorsiklo ang kahabaan ng Rivera at JP Ramoy St., Bgy. 164, Talipapa Caloocan City nang biglang ang isang armado at pinagbabaril ang dalawa.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Hinala ng pulisya, iiskor ng shabu ang dalawa dahil nagkalat ang ilegal na droga sa nasabing barangay.

(Orly L. Barcala)