CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Inaresto ang isang dating konsehal sa bayan ng Gloria makaraang makuhanan ng hinihinalang shabu nang salakayin ang kanyang bahay sa nabanggit na bayan nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Chief Insp. Ruel Lito T. Fronda, hepe ng Gloria Police, ang nadakip na si Mario U. Perez, alyas “Konsyal Mar” o “Super M”, ng Barangay Narra.

Sa bisa ng search warrant, pinangunahan ni Fronda ang pagsalakay sa bahay ni Perez at nakakumpiska ng hinihinalang shabu, na ayon sa suspek ay pag-aari ng lalaki na empleyado niya sa kanyang hardware store.

Kumandidato noong Mayo sa ilalim ng Liberal Party ngunit natalo, si Perez ay ikasiyam sa drug watchlist, ayon sa pulisya. (Jerry J. Alcayde)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar