SAN ANTONIO, Nueva Ecija - Parang nabunutan ng tinik sa dibdib si incumbent San Antonio Mayor Arvin Salonga matapos siyang absweltuhin ng Office of the Ombudsman sa kasong arson na isinampa ng mga kalaban niya sa pulitika.

“Malinis ang konsensya ko, wala akong kasalanan sa pagkasunog ng munisipyo noong Hunyo 8, 2013. Hindi ko sisirain ang tiwalang ipinagkaloob ng mga taga-San Antonio sa akin,” ani Salonga.

Batay sa Ombudsman Resolution na may petsang Hulyo 31, 2015, ibinasura ang nasabing kaso dahil sa “insufficiency of evidence” laban sa alkalde. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente