DAVAO CITY – Pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo na huwag puputulan ng bahagi ang mga napapatay na kaaway ng estado at “huwag magsayang ng bala” sa mga ito.

Sa kanyang pagbisita sa burol ng 11 sundalong nasawi sa pakikipagbakbakan sa Abu Sayyaf Group (ASG) sa Sulu, nakiusap ang Presidente sa militar na huwag puputulan ng bahagi ang bangkay ng mga kaaway, kahit pa kilala ang ASG sa mga ganitong brutal na pamamaslang.

“Kaya ang order ko sa sundalo, isang bala, kapag natumba na, ’wag mong aksayahan ng panahon. Huwag mong sayangin iyang bala,” aniya. “Move on to fight another day. Sabi ko sa kanila, ‘wag kayong magtanim ng galit.”

Sinabi ng Pangulo na alam niya ang epektong sikolohikal ng anumang pagpuputol ng bahagi ng katawan, kahit pa ginawa ito sa kaaway ng estado.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“I am sorry that this has to happen. I do not want it to happen again. Kung maaari lang, at saka may pakiusap ako, kung hindi naman tayo magkaintindihan, eh, huwag mo naman iyang mga ganoon na style na sirain mo ang katawan ng tao,” anang Pangulo.

“Pakiusap ko, kung away lang man—fight, but do not add grief to the family by destroying the body. Kailanman hindi talaga ako papayag na gagawin ng gobyerno iyan. Hindi talaga ako papayag, iyong brutality, cruelty nang ganoon. Sabi ko, isang bala lang, iwanan mo na kung nalaman mo patay na.”

Libu-libong operatiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang ipinadala sa Jolo sa layuning pulbusin ang Abu Sayyaf.

Sinabi ni Rhyan Batchar, tagapagsalita ng Eastern Mindanao Command, na sa 10th Infantry Division pa lamang ay aabot na sa 800 tropa mula sa 69th Infantry Battalion at 2nd Scout Rangers Battalion ang ipinadala sa Sulu laban sa teroristang grupo. (YAS D. OCAMPO)