Baron Geisler copy

SUPER reak na ngayon ang ilang showbiz personalities na pinagduduhang kasama sa listahan na involved sa paggamit o pagtutulak ng illegal drugs. 

May mga pangalan na kasing ibinulgar ang ilang reporters na nanggaling sa kani-kanilang sources.

Siyempre, para huwag tuluyang masira ang iniingatang pangalan ay kanya-kanyang paliwanag agad ang mga ito.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Pati ang maganda sanang halimbawa na sinimulan ng mga alagang artista ng Kapamilya Network, na boluntaryong nagpa-drug test ay inintriga pa. 

Napakinggan namin ang interview ng isang istasyon ng radyo kay Tim Yap na itinanggi ang matagal na rin namang ibinibintang sa kanya na nagtutulak siya ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi rin daw totoong nagtatago siya ngayon at handa raw siyang makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagsugpo sa droga na matagal na rin namang isyu sa mga taga-showbiz. 

Pero ang nakakaloka ay si Baron Geisler. Hinamon pa ng actor ang anak ni Pres. Rodrigo Duterte na si Baste na sana raw ay magpapa-drug test din. 

Kumbaga, sa halip na pagtuunan na lang niya ang sarili ay gumawa pa ng kontrobersiyal statement si Baron. 

“Your son, sabay kami, ngayon o bukas pa-drug test. Tingnan natin. Gawin natin.

“What will you do kapag ‘yun ang nangyari, busted siya. ‘Wag kang magmalinis,” sey ni Baron. 

Nakausap naman namin ang isang kaibigang mambabatas na pabor na isapubliko ang pangalan ng mga taga-showbiz na drug users. Binanggit din niya na pinag-aaralan pa raw itong mabuti at malamang ay ilalabas din daw agad ito.

Aniya pa, isasailalim na raw sa matinding surveillance ng PDEA ang ilang showbiz personalities na nakunan ng CCTV na nagpupunta sa isang condo unit sa Mandaluyong na nahulihan ng milyong halaga ng party drugs.

Samantala, kinontra naman ng isa pang mambabatas na taga-showbiz ang mungkahi ni Robin Padilla na pag-usapan muna ng mga nasa industriya at ng PNP bago raw isapubliko ang pangalan ng mga artistang nasa drug watchlist. 

“Naku, hindi patas ‘yan. Kailangan nating maging transparent. Dapat ilabas na agad ‘yan. Puwede naman nilang linisin ang pangalan nila kung hindi totoo,” sey pa ni Congressman na ayaw magpabanggit ng pangalan. (JIMI ESCALA)