GettyImages-457274196

Para matiyak na papatok sa takilya ang laban ni eight-division world champion Manny Pacquiao kontra kay WBO welterweight champion Jessie Vargas, isinama ng Top Rank promotion bilang supporting bout ang pagdepensa sa titulo ni five-division world champion Nonito Donaire.

Wala pang pormal na pahayag si Top Rank boss Bob Arum sa naturang balita, ngunit, sa ulat ng Philboxing.com, naipahayag ng maybahay ni Donaire na si Rachel ang paglaban ng tinaguriang ‘Filipino Flash’ sa Nobyembre 5 sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Kung walang magiging problema, makakaharap ni Donaire ang Mexican ding si Jessie Magdaleno.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Fighting on a Pacquiao card has always been something he has wanted to do because it will give him (Nonito) a chance to show his support for what Manny has done to open the door for Filipinos,” pahayag ng Philboxing.com batay sa panayam kay Rachel.

Nilinaw din niya na pinalitan ni Donaire bilang trainer ang amang si Nonito Donaire Sr. dahil ayaw nitong manirahan sa Las Vegas at mas pinili ng huli ang San Francisco kung saan may sarili itong boxing gym.

May rekord si Donaire na 37-3-0 karta, tampok ang 24 knockout kumpara kay Magdaleno na may perpektong kartada na 23-0, kabilang ang 17 TKO. Huling lumaban si Magdaleno kontra Pinoy Vergel Nebran at Rey Perez na kapwa niya ginapi via TKO. (Gilbert Espeña)