Tiniyak kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na hindi masasayang ang mga balotang natapos na nilang iimprenta sakaling matuloy ang planong pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, ipe-preserba lamang nila ang mga naturang balota dahil maaari naman itong magamit sa sandaling ituloy na ang halalan sa susunod na taon.

Matatandaang Agosto 21 nang simulan ng Comelec ang pag-iimprenta ng mga balota para sa Barangay elections gayunman, pansamantala itong itinigil matapos ang mga panukalang election postponement.

Ayon sa Comelec, hanggang Agosto 26 ay umabot na sa 411,000 balota ang natapos nilang iimprenta para sa eleksyong gaganapin sa Agusan del Norte at Agusan del Sur.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The 411,000 ballots already printed will not go to waste. They are in fact preserved because they can be used for future elections,” ani Jimenez.

Noong Agosto 30, nagkasundo ang Senado at House of Representatives na ipagpaliban ang BSKE sa Oktubre 23, 2017, sa halip na Oktubre 31, 2016, na siya nitong orihinal na petsa. (Mary Ann Santiago)