CABANATUAN CITY - Sa kagustuhang maging drug-free ang nasasakupang 89 na barangay sa lungsod na ito, magsasagawa ng “unannounced random drug test” sa iba’t ibang tanggalan ng pamahalaang lungsod upang matiyak na walang gumagamit ng droga sa mahigit 1,000 opisyal at kawani ng siyudad.

Ito ang inihayag ni Mayor Juluis Cesar V. Vergara sa regular na management committee conference.

Sa nasabing kumperensiya, iniulat naman ni Chief Supt. Ponciano Zafra na umabot na sa 1,568 ang sumukong sangkot sa droga sa lungsod, siyam ang nahuli sa buy-bust operation, at dalawa ang napatay nang manlaban sa pulisya.

Idineklara ni Vergara na maging siya ay handang sumailalim sa drug test, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panglunsod, sa pamumuno ni Vice Mayor Anthony Umali.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi ng alkalde na balak din niyang magpatayo ng rehabilitation center sa may 7.8-ektarya sa Barangay Macatbong.

(Light A. Nolasco)