Pumasok na sa bansa ang pinaka-unang bagyo sa pagpasok ng ‘ber’ months kahapon.

Sa weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), naging tropical storm na ang nauna nang namataang low pressure area sa (LPA) sa bahagi ng Batanes.

Ito ay pinangalanang “Enteng” na may international name na “Namtheum”.

Huli itong namataan sa layong 730 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes kung saan taglay nito ang lakas ng hanging 65 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong 80 kilometro bawat oras.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ito ay kumikilos papunta sa hilagang silangan sa bilis na 19 kilometro kada oras.

Ngayong umaga, tinataya ng PAGASA na ang ‘Enteng’ ay nasa layong 1,120 kilometro ng Hilagang silangan ng Itbayat, Batanes at nasa labas na ng Philippine area of responsibility (PAR) at bukas, ito ay tinatayang nasa 1,275 kilometro hilagang silangan ng Itbayat, Batanes na labas na rin ng Pilipinas. (Rommel Tabbad)