TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Pitong katao, kabilang ang isang siyam na taong gulang na lalaki, ang nakaratay ngayon sa ospital makaraang masagi ng pick-up truck ang sinasakyan nilang van sa Barangay EJC Montilla sa lungsod na ito, nitong Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Tacurong City Police, dakong 11:45 ng umaga at binabagtas ng van na minamaneho ni Damla Yusoh Mamadra, 42, may asawa, ng Malabang, Lanao del Sur, ang national road sa Bgy. EJC Montilla nang masagi ito ng noon ay palikong Toyota Hi-Lux na minamaneho ng isang Sengejun Mangudadatu, ng South Cotabato.

Napaulat na sumirko ang van at nasaktan ang lulan dito na kinabibilangan nina Sohusa Riga Baulo, Noraida Baulo, Mesara Baulo, Zamanosa Balanque Sarip, Ryan Sarno Balanque Sario, 9; at isang Almera Ebra Kapal. (Leo P. Diaz)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar