CAMILING, Tarlac - Natigmak ng dugo ang inuman ng dalawang magsasaka matapos silang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa isang personal na bagay na nauwi sa tagaan ng jungle bolo sa Barangay Nagserialan, Camiling, Tarlac.

Kapwa naka-confine ngayon sa Señor Sto. Niño Hospital sina Joseph Corpuz, 39, may asawa; at Mario Valdez, 53, kapwa residente sa nasabing barangay.

Dakong 11:40 ng umaga nitong Miyerkules nang magsimula ang inuman hanggang sa magkapikunan ang dalawa na nauwi sa sigawan at pagtatagaan. (Leandro Alborote)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar