Isasailalim na sa masusing imbestigasyon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang dalawang Labor attaché sa Saudi Arabia na sinasabing nagpabaya sa kanilang tungkulin na lingapin ang mga naipit na overseas Filipino workers (OFWs) sa nabanggit na bansa.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kapag napatunayang nagkaroon ng kapabayaan, marapat lamang na mapanagot ang mga opisyal dahil ang ilan sa mga naipit na OFWs ay naaresto pa bunga ng kakulangan sa dokumento.

Sina Rustico dela Fuente, Labor attaché sa Riyadh at Jaina Rasul, Labor attaché naman sa Jeddah, ay posibleng papanagutin sa kasong administratibo.

Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na maaaring mapauwi na ang may 1,000 OFWs bago ang Setyembre 8 at ang karagdagang 2,000 OFWs bago matapos ang buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sahod ng OFWs hahabulin

Uunahin ng pamahalaan na masingil at makuha ang sahod ng mga pinapauwing OFWs.

Nabatid na gumagawa na ng hakbang ang ipinadalang mga kinatawan ng Pilipinas upang makipag-ugnayan sa mga kinaukulan upang mapabilis ang proseso at agad na makuha ang hinahabol nilang sahod. (Mina Navarro)