ITINAKDA ng Simbahang Katoliko ang araw na ito, Setyembre 1, bilang World Day of Prayer for the Care of Creation, na idineklara ni Pope Francis noong nakaraang taon. Ipinagdiriwang ng Eastern Orthodox Church ang nasabing kaganapan simula 1989.

Sa kanyang deklarasyon, ipinagdasal ng Pope na sa taunang paggunita, ang lahat ng taong tapat ang kalooban “will offer individual believers and communities a fitting opportunity to reaffirm their personal vocation to be stewards of creation, to thank God for the wonderful handiwork which he has entrusted to our care, and to implore his help for the protection of creation as well as his pardon for the sins committed against the world in which we live.”

Noong nakaraang taon, sumulat si Pope Francis ng encyclical tungkol sa pangangalaga sa mundo na tinawag niyang “our common home.” Sa sulat nito na may pamagat na “Laudato Si,” salita na nakuha sa invocation ni Saint Francis of Assisi, “Praise be to you, my Lord” sa Canticle of Creatures, inihayag ni Pope na dapat ay araw-araw suriin ng isang indibiduwal hindi lang kung paano namuhay sa pakikiisa sa Diyos, sa ibang tao, at sa sarili, kundi sa lahat ng nilikha ng Diyos at maging sa kalikasan. Hinimok niya ang lahat sa ecological conversion na sinasaklawan ang pagbabago sa pag-iisip at pag-uugali. Kabilang sa conversion ang muling pagsusuri sa ating mga pangangailangan at mga aktibidad, at mapalawig ang pagbabago sa kultura at paniniwala. “We must regain the conviction that we need one another, that we have a shared responsibility for others and the world, and that being good and decent are worth it,” aniya.

Ipinapakita ng mga pag-aaral na patuloy na lumalala ang climate change dahil sa mga aktibidad ng tao. Ito ang dahilan sa pagpapatawag ng Santo Papa sa lahat ng nasa larangan ng siyensiya na magkaroon ng pakikiisa sa pangangalaga at pagsisikap para ayusin ang kapaligiran bago maging huli ang lahat. “All of us can cooperate as instruments of God for the care of creation, each according to his or her own culture, experience, involvements and talents,” anang Papa.

Dapat makibahagi ang lahat para mapangalagaan at maprotektahan ang kapaligiran.

Magandang pagkakataon ang araw na ito para manalangin sa Diyos na ipagpatuloy ang pagbibigay ng biyaya sa mundo at buong daigdig sa kanyang buhay at pagmamahal. Maganda rin ang pagkkakataong ito para humingi ng kapatawaran para sa ating mga kasalanan laban sa ating tagalikha. Mamuhay tayo bilang mabuting tagapangasiwa ng mga likha ng Diyos at huwag hayaan pang masira ang kapaligiran.

Nawa’y hawakan ang ating puso ng Diyos na lumikha ng lahat ng may buhay, na tayo’y maging tagalikha rin at hindi tagasira ng ating nag-iisang tahanan.