HINDI binigo ng Dreamscape Entertainment ang expectations ng JaDine fans na anim na buwan ding excited na naghintay sa pangalawang kilig-serye nina James Reid at Nadine Lustre after ng super hit na On the Wings of Love (OTWOL).

Sa mga narinig naming komento sa advance screening ng Till I Met You sa Trinoma last Sunday at sa mga kakilalang nakapanood na ng dalawang gabi at maging sa social media, halos lahat sumasang-ayon sa sinabi ni James na mas maganda ito kaysa sa OTWOL.

Isa sa unexpected twist sa serye ang pagka-come out ni JC Santos as Ali, playing the suitor of Irish/Nadine pero ‘yun pala’y si Basti/James ang kanyang pinapantasya.

Ayon kay James, hindi na bago sa kanya ang mga ganitong role (object of affection ng isang gay) dahil natatandaan niya na may nag-offer sa kanya ng ganito, ang maging mala-LGBT supporter.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“It was very daring for ABS-CBN to tackle that topic. Actually I feel kind of honored to be one of the actors. The characters, it’s really nice how they interact with each other and I’m really happy with the project,” paliwanag ng binata.

Kakaiba naman ang pakiramdam ni James kumpara sa ibang artist. Kung may pressure sa iba ang pag-uumpisa ng project, tiwala naman siya na mas panonoorin ng madlang pipol ang seryeng Till I Met You.

“I’m really excited. I think it’s going to be better than On the Wings of Love so I can’t wait. It’s the story and the characters, they’re so much more deeper, alive, it’s really fun watching the three characters Iris, Basti, and Ali.

“With this one I love the interaction between the three best friends. It’s different. Three characters that you can watch for months. They’re fun. OTWOL started light and then towards the end it got really dramatic. I think this will be quite the same. It’s light at the beginning, my character is very fun,” masayang pahayag ng aktor.

“I’m very confident,” dagdag pa niya. “But of course On the Wings of Love, it’s become like a classic. No one can forget it. Of course we’ve set the bar high for ourselves so there’s a little bit of pressure,” pag-amin ng binata.

(ADOR SALUTA)