Mismong mga residente ang nakaaresto sa suspek sa pagpatay sa isang lalaki na tumalo umano sa kanya sa cara y cruz kamakailan sa Tondo, Maynila.
Hinabol at kinuyog ng mga residente si Jaime Pingol, 24, ng 4 Magsaysay Street, Tondo, Maynila.
Si Pingol ay sinampahan ng kasong murder dahil umano sa pagpatay kay Napoleon Ludwig, 33, ng Sampaloc St., Tondo, Maynila noong nakaraang linggo.
Matatandaang tatlong ulit umanong sinaksak ni Pingol si Ludwig matapos siyang talunin ng biktima sa sugal at inakalang dinaya siya nito. (Mary Ann Santiago)