“Hindi ako natatakot!”

Ito ang matapang na pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio Morales kaugnay sa mga natatanggap na death threat dahil sa pagtupad sa kanyang tungkulin.

Sinabi ni Morales na natatakot ang mga taong iniimbestigahan ng kanyang opisina kaya’t siya naman ang sinisindak ng mga ito.

Tinanggihan ni Morales ang dating mungkahi na lagyan ng bakod ang kanyang bahay kasunod ng pagkakatagpo ng isang granada na may initials niya sa labas ng kanyang bakuran noong 2012.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Matatandaan na plano na noon ni Morales na magretiro sa serbisyo nang kunin siya ni dating Pangulong Benigno Aquino III na maging Ombudsman upang usigin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan. (Rommel P. Tabbad)