SEOUL (AFP) – Binitay ng North Korea ang vice premier nito dahil sa pagpapakita ng kawalang-galang sa pulong na pinamunuan ni leader Kim Jong-Un matapos ang mga ulat na nakatulog siya, sinabi ng South Korea noong Miyerkules.

Binitay din ng rehimen ang dalawa pang matataas na opisyal, ayon sa Seoul, ang huli sa mga parusang kamatayan na pinaniniwalaang iniutos ni Kim na ayon sa analysts ay pagtatangkang higpitan ang kapit sa kapangyarihan.

“Vice premier for education Kim Yong-Jin was executed,” sabi ni Seoul’s Unification Ministry spokesman Jeong Joon-Hee sa regular briefing.

Si Kim ay pinatay sa pamamagitan ng firing squad noong Hulyo, dagdag ng isang opisyal sa ministry na tumangging pangalanan.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“Kim Yong-Jin was denounced for his bad sitting posture when he was sitting below the rostrum” sa sesyon ng parliament ng North Korea, at sumailalim sa interogasyon na nagbunyag ng iba pang krimen, sinabi ng opisyal sa mga mamamahayag.