Napili si 2012 London Paralympian Josephine Medina na maging flag-bearer ng five-man Philippine Team na sasabak sa 2016 Rio Paralympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil sa Setyembre 7-18.

Ito ang kinumpirma ni PHILSPADA administrative officer at Chef de Mission Dennis Esta isang araw bago lumipad ang delegasyon ng Pilipinas para sumabak sa kada apat na taong torneo kung saan paglalabanan ang 23 sports na may 528 event.

Ang limang differently abled athletes ay sina 2000 Sidney Paralympics bronze medalist Adeline Dumapong-Ancheta sa powerlifting, Agustin Kitan sa powerlifting, Ernie Gawilan sa swimming, Jerrold Pete Mangliwan sa athletics at si Medina sa individual event ng table tennis.

Isa si Medina sa inaasahang may malaking tsansa na makapagbigay ng medalya sa bansa sa torneo matapos magwagi ng pilak sa women’s singles sa combined class TT8,9,10 sa ginanap na Romania International Table Tennis Open sa Cluj, Napoca, Romania noong Hunyo 21-26.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Umaasa rin ang delegasyon kay Mangliwan na makakapagbigay medalya sa bansa sa paglahok nito sa 100m at 400m sa athletics event pati na kay Gawilan na sasabak sa 200m at 400m event. (Angie Oredo)