Iminumungkahi ni Sen. Grace Poe na gawing mas maaga ang Christmas break sa mga eskuwelahan para maibsan ang siksikang trapiko sa bansa, lalo na sa Metro Manila.

Ayon kay Poe, hihilingin niya sa Department of Education (DepEd) na ikonsidera ang kanilang panukala na pagbakasyunin na ang mga estudyante sa unang linggo ng Disyembre para maiwasan ang trapiko.

“Ang isa pang pwede nating imungkahi katulad nga niyan, simpleng bagay lang, pagdating ng pasko, lahat tayo ay abala.

Baka pwede naman, ang mga paaralan early part ng December, kung hindi December 12, December 8 or mas maaga pa, baka pwede wala ng pasok” ani Poe. (Leonel M. Abasola)

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists