CABANATUAN CITY - Walang pasok sa buong Nueva Ecija bukas, Setyembre 2, bilang paggunita sa ika-120 anibersaryo ng Unang Sigaw.

Ang deklarasyon ay nakasaad sa Batas Republika Blg. 7596 bilang Araw ng Nueva Ecija.

Kaugnay nito, inaanyayahan ng pamahalaang panglalawigan ang lahat na makiisa sa mga inihandang programa para sa okasyon, gaya ng Tagisan ng Talino ng mga piling estudyante sa lalawigan.

Inaabangan din ang coronation night ng Binibining Nueva Ecija, at ang pagkilala sa mga natatanging Kabataang Novo Ecijano.

Probinsya

Dating barangay captain sa Catanduanes, dinukot at pinagnakawan ng kalalakihan

Magsasagawa rin ng Agriculture Summit sa Nueva Ecija Convention Center sa Palayan City.

Ang Nueva Ecija ay isa sa unang walong probinsya na naghimagsik laban sa mga Kastila noong 1896. (Light A. Nolasco)