Matapos mawala ang International Boxing Organization (IBO) super featherweight title, pormal nang inihayag ni Australia-based Pinoy boxer Jack Asis ang kanyang pagreretiro sa boxing.
Ayon kay Asis, pagtutuunan niya ng pansin ang pagsasanay sa mga batang nangangarap na maging pro fighter sa kanyang bayan sa Toowoomba, Queensland, Australia.
Naagaw ni dating IBF junior lightweight titlist Malcolm Klassen ang IBO belt ni Asis sa 12-round unanimous decision nitong Agosto 5 sa Port Elizabeth, Eastern Cape South Africa at sa edad na 33 ay nagpasiya na ang tubong Davao City na isabit na ang gloves.
“Today I’m announcing my retirement from professional boxing,” sabi ni Asis na may kartang 35-19-5, kabilang ang 18 knockout.
“This is a happy occasion and I’m very comfortable with my decision. I’ve been boxing a long time and the sport has given me so much, now it’s time for the next phase of my life.”
“This decision was not an easy one but one in my heart I know is what is best for me and my family. I’ve had a great career and I’m very lucky my dreams did come true,” dagdag ni Asis. “I won an IBO world title and in my last fight defended it in South Africa against a great fighter. I finish my career like I started it – I gave my all, I tried my best – that’s all anyone can do regardless of winning and losing,” aniya.
Nagsimulang magboksing si Asis noong 2002 pero nagbago ang takbo ng kanyang karera nang magbase sa Australia noong 2011 sa ilalim ng kanyang trainer at manager na si Brendon Smith na hindi na siya natalo sa ibabaw ng ring hanggang matamo ang world title. (Gilbert Espeña)