Isinumite na ni Speaker Pantaleon Alvarez kay Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng panukala na naglalayong magtatag ng 25-man Constitutional Commission na babalangkas sa bagong Charter.
Ang draft executive order (EO) ay nasa Pangulo na umano noon pang Lunes, kung saan umaasa ang lider ng Kamara na malalagdaan ito at agad na makakapagtalaga ng miyembro ngayong Setyembre para maumpisahan naman sa Oktubre ang trabaho.
Constituent Assembly (Con-Ass) pa rin ang babalangkas sa bagong Konstitusyon, samantala ang ConCom naman ang rerepaso sa draft.
“So if we can make the final revised Charter by 2017, perhaps by 2018 we can already start the information drive and education. By midterm elections (2019), I hope that we would be able to give that to the people for ratification together with the elections of the new officials of the government,” ayon pa kay Alvarez, kung saan buong 1987 Constitution umano ang babaguhin sa Con-Ass. (Charissa M. Luci)