heart-dennis copy copy

KAHAPON ang last taping day ng Juan Happy Love Story at bukas naman ang ending. Hindi napigilan nina Dennis Trillo at Heart Evangelista na malungkot dahil dito sa naughty rom-com series ng GMA-7 sila mas naging close at mas nakapag-usap.

Pareho tuloy silang may sepanx (separation anxiety).

“Nakakalungkot lang na matatapos na ang show namin. Ang bilis ng panahon, ganu’n talaga kung nag-i-enjoy ka, kung puwede lang, ayaw mong matapos ang lahat. Masaya kami sa 16 weeks run ng show, hindi siya stressful at ang gaan sa set. 

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Gugustuhin kong gumawa uli ng katulad nito sa next project ko, pero iba naman ang concept para hindi paulit-ulit ang napapanood ng viewers,” sabi ni Dennis.

Sinegundahan ni Heart ang sinabi ni Dennis, dahil nag-enjoy din siyang gawin ang Juan Happy Love Story na naiiba kumpara sa mga ginawa na niyang soap.

“Soap siya, pero hindi mabigat gawin at hindi mabigat panoorin. Ang cute lang na kahit drama ang eksena at kahit may sampalan, sabunutan at confrontation, ang next na eksena, tatawa ka naman. Sobra akong nag-enjoy na gawin ang Juan Happy Love Story and to be working with Dennis, lalo na ngayon na hindi na siya shy at nakakapagkuwentuhan na kami,” pahayag ni Heart.

Naikuwento nga ni Heart na pati ang asawang si Sen. Chiz Escudero ay viewer ng Juan Happy Love Story at nag-suggest pa nga sa kanya na iparating sa GMA-7 na gawin itong sitcom. Malayo pa raw ang itatakbo ng love story nina Juan (Dennis) at Happy (Heart).

Favorite scene ni Dennis sa Juan Happy Love Story ‘yung mga imagination scene niya kina Heart at Kim Domingo. Kasama rin sa favorite scene niya ang eksenang naka-all black costume sila ni Heart at ‘yung iniligtas ni Dennis ang child star na gumaganap na adopted daughter nila ni Heart.

“Sobrang init nang kunan ang eksena dahil tanghaling tapat at naka-black pa kami. ‘Tapos susugod ako kunwari sa nasusunog na school bus. Ang hirap kunan ng eksena, pero favorite ko dahil ipinakita ng isang ama ang pagmamahal niya sa kanyang anak,” paliwanag ni Dennis. (NITZ MIRALLES)