BRASILIA, Brazil (AP) — Bumoto ang Senado ng Brazil noong Miyerkules na patalsikin sa puwesto si President Dilma Rousseff, ang sukdulan ng isang taong laban na pumaralisa sa pinakamalaking nasyon sa Latin America at naglantad ng malalim na hidwaan ng mamamayan nito.

Agad na nanumpang pangulo ang kanyang vice president at naging kaaway na si Michel Temer, habang nangako ang mga kaalyado ni Rouseff na lalabanan ang pagtanggal sa kanya.

Si Rousseff ang unang babaeng pangulo ng Brazil, na may makulay na karera kabilang na ang pagiging Marxist guerrilla na ikinulong at pinahirapan noong 1970s sa panahon ng diktadurya sa bansa. Inakusahan siya ng paglabag sa fiscal laws sa pamamahahala ng federal budget.

Nilabanan ni Rousseff ang akusasyon at binigyang-diin na ginamit din ng mga nakaraang pangulo ang parehong accounting techniques. Ang pagpupursigeng patalsikin siya ay kudeta ng mga elite na nagagalit sa mga makamasang polisiya ng kanyang Workers’ Party, aniya.

Internasyonal

China, inalmahan maritime laws na pinirmahan ni PBBM