Isang malaking pagbabago sa panuntunan na sinusunod hindi lamang sa basketball kundi sa lahat ng sports ang ilalatag ng Management Committee ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) sa pagbubukas ng kanilang ika-79 season sa Setyembre 4.

Ang nasabing pagbabago ay ang hindi na paggamit ng thrice-to-beat incentive para sa sinumang koponan na makakapagtala ng sweep sa eliminations ng kani- kanilang event.

Nangangahulugan ito na wala ng mahahabang finals series sa lahat ng sports maliban sa football.

Ito ang inihayag ni UAAP Season 79 president Fr. Ermito de Sagon, O.P. ng host UST sa ginanap na press conference ng liga nitong Martes sa Novotel sa Cubao.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

Ayon kay de Sagon ,ang koponan na makakawalis ng eliminasyon ay awtomatiko na uusad sa finals, ngunit sasabak pa rin ito sa best-of-3 series kontra sa koponang mananaig sa stepladder semifinals.

Noong 2007, winalis ng University of the East ang double round elimination, ngunit nabigo sa La Salle sa best-of-three final series.

Ipinatupad naman ang twice-to-beat advantage sa sumunod na season. (Marivic Awitan)