ISULAN, Sultan Kudarat – Anim na katao na ang kumpirmadong namatay sa dengue sa iba’t ibang panig ng Maguindanao.

Ayon kay Dr. Tahir Sulaik, provincial health officer ng Maguindanao Provincial Health Office, pinakamaraming nabiktima ng dengue sa bayan ng Parang, kasunod ang Sultan Kudarat, Datu Odin Sinsuat, Shariff Aguak at Kabuntalan.

Ito ay sa kabila ng pagtiyak ni Sulaik na nagsasagawa ang kanyang tanggapan ng fogging operations at nangangaral tungkol sa panganib ng dengue, katuwang ang iba’t ibang sektor.

Aniya, tumaas ng siyam na porsiyento ang mga kaso ng dengue sa Maguindanao, batay sa datos noong Enero hanggang Hulyo ngayong taon. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito