Dalawang katao ang nasawi habang isa ang malubhang nasugatan makaraang malaglag at sumabog ang isang rifle grenade sa Pikit, North Cotabato, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni Chief Insp. Joseph Placer, hepe ng Pikit Municipal Police, ang mga nasawi na sina Ismael Dagadas Alagasi, 54, dating barangay kagawad; at Mentato Casanova, 33 anyos.

Malubha naman si Datuali Balaguna, 29, ng Sitio Baruyan, Barangay Nalapaan, Pikit.

Ayon sa pulisya, nakita ng kabataan ang isang bala ng rifle grenade sa sakahan at dinala ito sa bahay ni Pikit Mayor Sumulong Sultan, ngunit nang bitbitin ito ni Alagasi sa labas ng bahay ng alkalde ay aksidenteng nalaglag ito at sumabog. (Fer Taboy)

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar