Dumating kahapon sa bansa ang 128 overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Saudi Arabia matapos silang mawalan ng trabaho nang magsara ang pinaglilingkurang kumpanya doon.

Galing sa Dammam Airport, dakong 10:10 ng umaga kahapon nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City ang sinakyang Philippine Airlines (PAL) Flight PR683 ng mga OFW na karamihan ay nagtrabaho sa nagsarang Mohammad Al-Mojil Group (MMG) company sa Al-Khobar bunsod ng pagbulusok ng langis sa Saudi Arabia.

Malugod silang sinalubong sa paliparan nina Department of Labor Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay Jr. at ng kinatawan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Repatriation Team.

Dakong 11:00 ng umaga nang magtungo sa NAIA si Pangulong Rodrigo Duterte upang personal na makasalamuha ang mga umuwing OFW matapos ayusin at sagutin ang kanilang repatriation ng gobyerno.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Tiniyak ng Pangulong na tutulungan nito ang mga apektadong OFW sa bansa kung saan ang gastusin sa pag-aaral ng kanilang mga anak ay sasagutin ng Office of the President.

“We have the money, the contingency plan and the means of resources,” pahayag ng Pangulo.

Binigyan din ng Pangulo ng cash assistance ang mga umuwing manggagawa. (Bella Gamotea)