Agosto 31, 1955 nang imuwestra ni William G. Cobb ng General Motors Corporation ang 15 pulgadang sasakyan na “Sunmobile”, ang unang solar-powered car, sa Chicago Powerama convention sa Illinois.

Gumagamit ito ng 12 selenium photovoltaic cells, at isang maliit na Pooley electric motor. Dahil dito, naging pamilyar sa mga tao ang photovoltaics, na ang enerhiya mula sa sinag ng araw ay naisasalin sa kuryente. Aandar ang maliit na 1.5-volt motor matapos mabuo ang electric current.

Binigyang kahulugan ng “Sunmobile” ang solar vehicle kahit na ito ay hindi maaaring imaneho ng tao.

Taong 1962 nang ilunsad ang unang solar car na maaaring imaneho ng tao, at noong 1984, inimbento ang Sunrunner solar race car.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’