SINGAPORE (Reuters) – Umakyat na sa 82 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Zika virus sa Singapore, kasabay ng pagdami ng mga bansa na nagbabala sa mga buntis o nais magbuntis na iwasan ang biyahe sa city-state.

Ang Zika virus na dinadala ng lamok ay nagsimulang kumalat sa mga bansa sa America at Caribbean nitong nakaraang taon. Mapanganib ito sa mga buntis dahil maaari itong magdulot ng microcephaly, isang malubhang birth defect na ang mga sanggol ay isinisilang na maliit ang ulo at hindi lubusang nadedebelop ang utak.

Noong Martes, naglabas ng babala ang United States sa mga buntis na huwag bumiyahe sa Singapore, gaya ng naunang ibinabala ng Australia, Taiwan at South Korea.

Idineklara ng World Health Organization ang Zika na global health emergency dahil sa kaugnayan nito sa microcephaly. Sa Brazil, ang Zika ay sinisisi sa 1,800 kaso ng microcephaly.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline