Isang siklista ang napatay matapos na mabangga ng ambulansiya sa Pili, Camarines Sur, iniulat ng pulisya kahapon.

Sinabi ni Chief Insp. Chito Oyardo, hepe ng Pili Municipal Police, na namatay si Sonny Noblesala makaraang mabangga ng ambulansyang minamaneho ni Jonathan Balasuela, 40 anyos.

Ayon kay Oyardo, sinabi ni Balasuela sa pulisya na pabalik na siya sa Bulan, Sorsogon sakay sa ambulansya nang mabangga niya si Noblesala na noon ay nagbibisikleta. (Fer Taboy)
Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar